Maririnig ang banayad ngunit mabilis na pagtipa sa isang makinilya.Minsang hindi maririnig ang tunog ng pagtipa marahil dala ng kalumaan kaya nagkakaroon ng aberya.
Muli na naming maririnig ang pagtipa ng makinilya. Pero sa pagkakataong ito medyomabagail dahil naisipan ng nagtitipa na magsindi ng sigarilyo para naman hindi siya antukin. Nangingiti siya habang nagtitipa. Naisip niya ganito na talaga ang buhay manunulat kundi lumalamig na kape ang karamay, e, nauupos na sigarilyo na mumurahin.
Biglang nagbalik siya sa realidad. Bukas nap ala ang deadline ng titnitipa niyang artikulo. Parati na rin siyang ginagabi at pinag-iisipan kung matatapos niya ito.
Balik na naman ang isa niyang kulubot at mabutonang kamay sa pagtitipa habang abala ang kanyang bibig sa paghititsa paubos nang sigarilyo. Maya-maya pa ay tapos na ang kanyang artikulo. Kasabay ng huling hitit sa kanyang sigarilyo.
Tumingin siya sa kanyang relo sa kaliwang braso. Alas-diyes eksakto na at may isang oras na rin niyang tinitipa ang kanyang makinilya.
Naisip niya may kompyuter na ngayon pero bakit pinagtitiyagaan niya ang luma at palpak na makinilya. Pero karugtong na marahil ng manunulat na matamda na
Marahan niyang nilagay sa ibabaw ng mesa ang tapos na niyang artikulo na may pamagat na,” Pamamaalam ng Manunulat sa Makinilya.”
Nilalandas na niya ang hagdanan pababa mula sa silid na iyon. Babalik siya doon sa silid para tuluyan ng magpaalam.
Iniisip niya,na baka hinihintay na lamang ng tipahang iyon na may labi ng mga upos ng sigarilyo o patak ng kape na mailgay siya sa bodega o kaya ay ibenta sa junk shop.
Talagang paalam na para sa manunulat at sa tipahang may letra,numero at bantas.
No comments:
Post a Comment