Monday, January 11, 2010

A Love Story

“Makikita mo na si Kris. Puntahan mo na ‘yun dun. Baka naiinip na ‘yon doon, Joseph, “napakahina ng boses niya at nakuha pa niyang ngumiti bago tumalikod sa akin.

Bumalot ng malamig na pakiramdam sa akin. Muli naramdamankoamg sakit mg pag-ibig; ang pagkawala nito. Tuluy-tuloy ang pagdaloy ng pait kasabay ng mga luha sa babaeng nagmahalsa akin.

Wala na si Rona.

Lumipas ang buong magdamag.Hindi na ako nakasipot sa usapan namin ni Kris. Wal;a pang may alamng nagyari kay Rona. Nakahiga na akosa kamat matamang nakatitig sa alarmclocksa tabi ko. Parang kakaiba ang bawat galawng mga kamay ng orsan ng gabing iyon.Tuluyan na akong napapikit at hindi konpansin na biglang nagbago ang galaw ng orasan. Mabilis na umiikotpabalik ang mga kamay ng orasan.

“Ate!” Matinis ang boses na iyon na nagpagising sa akin. Tinungo ko ang bintana dahil alam ko na si TinTin iyon. Ang makulit na bata sa amin na laging kasama ni –

“Rona--,” nabulong ko nang Makita kokung sino ang nasa labas na kasam ni TinTin. Si Rona!

“Aaah!” Napasigaw na ako na talagang takot na takot. Napatingin ang dalawa sa akin na gulat na gulat. Napatawa ng malakas si TinTin.

“Parang nakakita ng multo,Nuh!” Sabad ni TinTin na kung magsalitay parang hindi limang taon.

“Tara, bili na tayo ng Hany?” Boses ni Rona na muli kong ikinasigaw ata napaupo ako sa sahig. May multo nga!

“Joseph, ano ba ‘yan!?”, sigaw ng Mama kokasabay ang boses ng katulong naming si Diane.

Bumaba ako sa kusina para mag-almusal . Nakaalis na si Mama papuntang trabaho kasunod ang kapatid kong si Alex.

“Bakit ka namumutla?,” tanong ni Dianehabang hinahainan ako ng almusal.

“S-sabihin mo nga.A-anong date ngayon?’ nauutal kong tanong.

“December 4. Sabi ni Alex birthday daw ni David.” Sagot ni Diane. Bigla akong nabulunan at nabuga ko ang sinubo kong pagkain.

“Ano ba ‘yan!” Galit si Diane, nagkalat ba naman ako. Hindi iyon pwede. January na dapat.

“Dapat January na ah!”

“Baliw ka ba!? Wala pa ngang Pasko, eh!”

Naguguluhan pa rin ako. Kagabi lang pagtulog ko January tapos biglang bumalik sa December. Lumabas ako ng bahay para mkahinga ng malalim. Pumunta ako sa tindahan at npansin ko na pamilyar ‘yonmg trak na nakaparada doon. Nakita ko iyong pamilyar na lalaki na kausap ko kahapon.

“Boy, kamusta na?” Binati niya ako. Siya iyong nakabangga kay Rona.

“Ikaw,iyong naka-“

“Nagkita na kayo ng kaibigan mo?” tanong niya.

“ Hindi ko maintindihan?” Sabad ko.Tumindig na ang lalaki patungo sa trak niya pero sinundan ko siya.

“Mama,anong nangyari? Bakit bumalik siya?” Tanong ko sa kanya.

“E, boy nandyan siya ulit? Ano sa tingin mong ibig sabihin nun?” Pumasok na ang lalaki sa trak niya.

Naguguluhan akong bumalik sa bahay namin pero natigilan ako ng makita si Rona na paalis na. Nakasunod sa kanya si TinTin. Napasunod na rin ako.

“Dito ka na. Tatawid na ako. Huwag kang susunod.” Utos ni Rona kay TinTin. Lumingon siya sa gawi ko.Nalaman niya siguro na nakasunod lang ako. Bigla rin niyang binawi ang tingin sa akin at tumawid na.

“Ingat ka!” Nasabi ko bigla at napalingon siya sa akin ulit bago pa siya sumakay ng dyip.

Hindi siya multo. Buhay siya. December ulit. Nandito siyang muli.

“Joseph, penge piso!” Si TinTin.

Lumipas muli ang magdamag. Sa paggising ko wala na ang bahay nila Rona sa tapat namin. Nag-fast forward ata bigla. Nakalipat na sila Rona at giniba na iyong bahay nila. Gulung-gulo na talaga ako.

“E, boy nandyan siya ulit? Ano sa tingin mong ibig sabihin nun?” Naalala ko ang sinabi sa akin ng lalaki, habang nasa harapan ako ng computer sa isang internet café. Naalala ko tuloy ‘yong mga PM niya. Pati rin mga testimonials ni Rona.

Sa Friendster nag-umpisa ang lahat. Ang kwento ng pag-ibig ni Rona sa isang katulad ko. Nagulat lang talaga ako. Sa dinami-dami ng mga PM niya, bilang lang ang mga tugon ko sa mga iyon. Dalawa lang ata. Sa totoo lang hindi talaga kami malapit sa isa’t-isa. Tahimik kasi si Rona, ako naman hindi siya masyadong pinapansin. Ngayon hindi na kami magkapitbahay. Malayo na kami sa isa’t-isa pero bumabalik siyang muli sa buhay ko.

Lumabas na ako ng internet café at napansin ko na medyo ma-traffic sa kalye namin. Umusad ang jeep at natuon ang tingin ko sa babaeng nakaupo sa dulo ng jeep. Nakatungo siya at nakatingin sa paa niya. Malamlamang kanyang mga mata. Si Rona. Bigla siyang nag-angat ng mukha at nagkatinginan kami. Muli siya ang mabilis na bumawi ng tingin.

“E, boy nandyan siya uli? Ano sa tingin mong ibig sabihin nun?” Ayon na naman ang mgasalita ng mama. Umaalingawngaw sa ulo ko. Bigla ko na lang pinara ang jeep kung saan nakasakay si Rona at umupo sa tapat niya.

Dalawang barangay na ang nalagpasan ng jeep pero hindi pa rin siya bumababa pati rin ako. Medyomaluwang na ang jeep at wala ng katabi si Rona kaya’t tumabi ako sa kanya. Nakatingin lang siya ng malayo sa labas ng bintana ng jeep. Napamulagat siya sa akin dahil nasa tabi na niya ako. Kaya’t mabilis siyang tumingin sa kabila para iwasan ang tingin ko.

“sa’n ka bababa?” tanong ko.

“Sa bahay naming,” sagot niya.

Dumukot akong pamasahe at nagbayad.

“Ma, bayad! Dun sa bababaan ng katabi ko.” Saad ko atnapalingon sa akin si Rona na naguguluhan. Ilang minuto pa at bumaba na kami. Agad na tatawid si Rona sa kabilang kalye peropinigilan ko siya.

“Huwag ka basta-bastang tatawid.” Sabi ko at naguguluhan pa rin siyang nakatingin sa akin. Sbay kaming tumawid sa kabilang kalye.

“O, san ang sa inyo?” Tanong ko.

“Marunong akong umuwi. Bakit ka ba sumusunod? Bago lamh kami dito kaya ‘pagnapagtripan ka---“.

“Sinundan lang kita, Rona. Para malaman ang sa inyo.’ Putol ko at ganun pa rin ang tingin niya sa akin.

“Saka ano pala…May barya ka ba? Kasi wala na akong pamasahe pabalik.” Sabi ko sabay kamot sa ulo. Kumuha siya ng barya sa bag at inabot niya sa akin.

“Yan na lang. Sabihin mo estudyante ka. Saka huwag mo ng uulitin ‘to. Kinakabahan kasi ako.” Sabad niya at nagpasalamat ako.

Tumalikod na siya at tinungo ang unang eskinita sa kalyeng iyon. Hindi ko maipaliwanag kung bakit biglang natuwa ang puso ko sa mga sandaling iyon. Kausap ko siya. Kakaiba. Ewan ko ba? Pumara na ako ng jeep at umuwi na sa amin.

Parang ang pagbabalikng orasay para lang kay Rona. Doon lang ako nakatuon. Bawat oras kailangan nakikita ko siya kasi baka bigla siyang mawala. Katulad ngayon nakaabang ako sa intersection kung saan bababa si Rona bago sumakay ulit ng jeep papunta sa kanila. Kasama ko ang barkada ko nun. Ilang sandali pa bumaba si Rona sa isa sa mga jeep.

“Uy, si ano, o!” Sigaw ng isa kong kaibigan.

“ Joseph! Joseph!” Dagdag ng isa kong kaibigan na halatang tinatawag ang pansin ni Rona. Nagpaalam ma ako sa kanila at sinabayan ng tawid si Rona nag hindo ako pinapansin. Hindi niya namlayan na katabi na niya ako.

“Joseph! Joseph! Sinong Joseph ‘yon? Bulong niya sa sarili na nadinig at ikinangiti ko.

“Ako! Sagot ko at napalingon siya sa akin na gulat na gulat. Lalo tuloy lumaki ang mata niya na may mahabang pilik mata. Mabilis na naman akong sumunod.

“Uy, sandali lang!” Sigaw ko at naabutan ko naman siya.

“ Dib a hindi mo na dapat ako sinusundan? Kinakabahan ako,eh.” Naiirita na parang temse ang boses ni Rona.

“Bakit ka kinakabahan?

“Ewan ko! Kinakabahan ako, eh.”

“ Bakit nga?”

“Ano sa tingin mo? Umuwi ka na nga.” Sabay sakay niya ng jeep pero sumunod pa rin ako sa kanya.

Lagi na lang akong nakasunod sa kanya. Lagi kasing sumasagi sa isip ko ‘yong sinsabi ng mama na nandito si Rona ulit. Saka natutuwa ako kapag naririnig ‘yong dialogue niya tuwing sinusundan ko siya. Iyong, “ kinakabhan ako eh. “

Sabado. Naisipan kong mag-gala sa mall. Pagpasok ko pa lang sa bookstore nakita ko na agad si Rona na nakatunghay sa screen ng LCD monitor dun. Ipinapakit ang trailer ng isang pelikula. If Only. Bigla akong tumabi sa kanya.

“Naiintindihan mo naman ba?” Sabad ko at napatingin na namn siya sa akin at mabilis na naman siyang umalis. Pero agad ko siyang nakita na nagbabasa ng makapal na libro sa isang sulok.

“Uy!” Tawag pansin ko pero inangat niya ang libro na tumakip na sa mukha niya.

“Umalis ka. Kinakabhan ako.” Hindi pa rin niya binababa ang libro.

“Napanood kona iyon Kwentoko sa’yo.”

“Napanood ko na rin’yon.” Binaba ko ang libro pero nakatingin siya sa paa niya.

“Uy, ano ba!?” Inis na ako.

“Kinakabahan nga ako eh.” Napatawa na lang ako at sumandal sa shelf na katapat niya.

“Sabi sa movie parang you can alter destiny.” Sabad ko at napatingin na siya sa akin. Natuwa na naman ang puso ko.

“Malabo ‘yon. E, di sana lahat hindi namamatay.” Sabi niya na nakatingin sa akin. Maganda naman si Rona peor ‘yon nga lang kung wala kang panahon pansinin ang katulad niya hindi mo siya makikita. Ngayon iba na ang pakiramdam kapag kasama ko siya. “Kasi mababago nila ang pangyayari.” Dagdag pa niya.

Lumapit ako sa kanya at nakatingin lang siya sa akin.

“Pero bakit nandito ka ngayon? December ulit?” Tumingin na naman siya sa akin na naguguluhan.

“December lang namn talaga? Saka nandito lang naman ako lagi. Gusto ko ang lugar na ito, eh.” Sabi niya. Tama siya. Lagi lang naman siyang nandyan ako lang ang hindi. Hindi ko siya pinapansin.

Unti-unti ko nang nalalaman ang sinasabi nang mamang driver. Nandito ulit si Rona at alamkona ang ibig sabihin nun. Hinawakan ko ang kamay niya at hinayaan niyang hawak ko iyon. Niyaya ko na siya na mag-lakad-lakad. Pero maya-maya tumingin siya sa relo niya.

“Tama na!” Sabad niya.

“Kain tayo!” aya ko.

“ Siguro ayaw talaga ninyo na kami ang gagawa ng first move. Kaya ok na ako, Joseph.” At bumitaw na siya sa kamay ko.

“Hindi, Rona. Huwag mong isipin---“

“Pagod na kasi ako. Huwag mong lokohin sarili mo,ha? Ok na ako. Kaya ko ‘to. Sige na!” sabi niya at mabilis na siyang lumayo. Hindi ko na siya nahabol.

Nung Makita kong tumakbo palayo si Rona sa akin parang naramdaman ko ang kakaibang lungkot. Kaya’t hindi ko hinahayaang mawala siya sa paningin ko. Isang iglap lang na ang babaeng ni hindi sumasagi sa isipko at hindi kopinapansin ay biglang sentro ng mundo ko. Ngayon nakaabang ako sa eskinita nila at hinhintay siyang dumating. Lagi niya akong iniiwasan pero nasa paligid lang niya ako. Nandito siya. Nandito rin ako.

“Merry Christmas!” Batik o kahit isang lingo pa bago mag-Pasko. Napamulagat siya at hindi malaman kung paano aalis dahil nahaharangan ko ang daan.

“Merry Christmas.” Halos pabulong niyang bati at alam kong iiwasan na naman niya ako. Kaya’t mabilis kung hinawakan ang kamay niya. Inaya ko siyang mag-usap kami at nagpaunlak naman siya. Doon kami sa may waiting shed malapit sa kanila.

“Tama na kasi. Ok na ako.” Basag niya.

“Alam ko na kung bakit sinasabi mong tama na. Alamko na kung bakit ayaw mong sinusundan kita. Alamko na rin kung bakit ka kinakabahan. Alam ko na rin kung bakit ginagawa ko lahat ng ito, Rona.” Sabi ko at nakatingin na siya sa akin.

“Nakakaawa ako noh? O desperado…Kasi may ibibigay naman ako,eh.Pero bakit parang walang may gusto? O, wala naman talagang may gusto?”

“Hindi,totoo’yan.Hindi---“

“Bakit ayaw nilang sabihin na gusto nila ako? Pero wala naman akong magagawa kung wala naman talaga di ba?” Mabilis niyang pinapahid ang mga luha niya peromay kasunod agad iyon. Masakit Makita ang pag-iyak niya at malamang ako ang dahilan noon. Halatang pinipigilan ni Rona ang pag-iyak pero nahihirapan na siyang pigilan iyon.

“Rona! Tama na. Alam ko na mahal mo ako. Alam ko na rin ang sagot ko. Mahal kita.” Sabi ko sabay hawak sa balikat niya. Inangat niya ang mukha at tumitig sa akin.

“Huwag kang sinungaling. Huwag na,Joseph. Kaya ko naman,eh.Lalo lang akong masasaktan.Lumayo ka—“ Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at mabili na hinaglkan siya sa labi. Kasunod noon ay mahigpit na yakap. Ayaw ko siyang mawala. Baka biglang maging February o June.Iyong tipong paggising ko wala na si Rona.

“Hindi akonagsisinungaling. Nadito lang ako. Kasi nandyan ka rin. Huwag ka lang mawawala.” Sabi ko at naramdaman ko ang mgabarso at kamay niya sa likod ko.

“Nandito lang ako,” bulong ko.

Iba ang mundo ngayon. Masaya at parang walang problema na nangingibabaw. Nakita ko na ang dapat kong Makita. Si Rina. Iba ang pangalawang pagkakataon. Nandito siyang muli. Masaya ang Pasko at Bagong Taon para sa akin. Pero binabagabag pa rin ako ng paparating na bukas.

“Tawid na tay?” Narinig ko si Rona. Lumingon ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

“Huwag basta-basta.” Sagot ko. Ngayon,saby naming pupuntahan si Kris. Makikipagkita kami sa isang kaibigan.

Bigla parang dumilim ang asul na langit nang umagang iyon. Hindi pwedeng mangyari iyon. Hindi ito ang araw na iyon.Natatakot na ako sa iniisip ko.

“Bakit?” Nakatingin si Rona sa akin. Nag-aalala ang mga titig niya. Bigla kosiyang niyakap at sa tuwing ginagawa ko iyon nawawala lahat ng pag-aalala ko.

“Joseph?” bulong niya.

“Huwag kang bibitaw,Rona.” Saad ko.


Tumawid na kami. Unti-unti parang bumagal ang lahat. Pati tibok ng puso ko, ang bawat hakbang naming. Ang oras dahan-dahan, sumasabaysiya. Lumingon sa akin si Rona at ngumiti. Ngunit nag-iba ang reaksyon niya.

“Joseph!” Sigaw niya bigla at bumulagta ako sa kabilang kalye. Isang trak ang humagibis na nagpalayo sa kanya sa akin.

Mahabang busina. Nakalulunos na sigaw ng mga tao. Narinig ko na iyon. Naroon ulit ang mamang driver.

“Bakit?” Ramdam ko ang luha sa aking mga psingi. Umiling ang mamang driver. Ganoon din ang lahat.Walang ipinagbago. Natanaw ko na naman ang nagliliwanag at mahabang pasilyo.

“Makikita mo na si Kris. Puntahan mo na siya. Baka naiinip na ‘yon dun, Joseph,” iyon pa rin ang mga salita niya.

“Huwag kang mawawala!” Sigaw ko.

Lumingon siya sa akin at ngumiti. May luha sa kanyang mga pisngi.

“Nandito lang ako,” at nawala na siya.

No comments:

Post a Comment